ERIK SANTOS : MAGALING NA AKTOR!
ERIK SANTOS : MAGALING NA AKTOR!
Posted: Hulyo 26, 2010 by eklavumer in dighay
Actually, nang ipinlug ang MMK at si Erik Santos ang bida; nakyurkos ang kuyukot ko. Hindi ako tumanggap ng labada o imbitasyon ng mga manginginom sa kanto ng Boot para lang tutukan ito noong Sabado ng gabi. Kyuryos ako dahil hindi ko maipagkakailang ‘silent fan’ ako ni Erik mula noong masilayan ko siya sa STAR IN A MILLION. Kahit na nga nakaw-eksena ang pagbirit ni Sheryn Regis sa mga performance nights nila, nangibabaw ang aking hunch na si Erik eventually ang magiging champion. Lalo na nang nai-chikka sa akin ng isang professor sa Cebu na may jowa na’t anak si Sheryn; at dininay pa ng bruha noong panahong iyon. Versatile singer ang binata; may ‘edge’ kung tawagin ang pagka-tenor niya kaya hustle free makinig sa kanya. Sa katunayan nga ay super-buy ako ng mga album niya para at any moment na gusto kong haranahin nya ako ay isang pindot lang. Malayo na rin ang kanyang narating. Mistulang beterano na nga siya sa ASAP at lalo’t higit ko siyang hinangaan nang gumradweyt siya sa college. Isa siyang magandang role model ng mga kabataan. Laman na rin siya ng mga intriga lalo na noong nagka-relasyon sila ni Rufa Mae Q.
Sa kanyang OFW role set in the majestic city of Macau, wala na akong mahihiling pa sa singer… actor na rin. Napaka-intense ng kanyang mga mata at presence. Although expected ko namang hindi ko siya tatawaging HAM, namangha pa rin ako sa ipinamalas niyang henyo sa pag-arte. Hindi ko na nakita pa si Erik kundi ang karakter na kanyang ginampanan. Ang galing niya sa build-up ng emotions, lalo na noong hindi niya masakyan ang naging relasyon nila ni Kristel Moreno (na magaling din!). Sadyang napasakay niya ako sa simpleng kwento ng pag-ibig at tuluyan nang na-confirm ko sa aking sarili na nag-crossover na nga siya from music to acting… which of course, kaya niyang gawin! Go, Go, Erik Santos!
eKLAvUMER
http://eklavumer.wordpress.com/2010/07/26/erik-santos-magaling-na-aktor/



