Erik Santos, Nasa Loob Ang Kulo
Erik Santos, Nasa Loob Ang Kulo
Prangkahan ni Dindo M. Balares
Balita – July 23, 2010
TITINGNAN nyong be-behave-behave itong si Erik Santos pero sa totoo lang sobrang pilyo ang lalaking ito. Puwede ko siyang i-nominate para maging Rico J. Puno, Jr.
Taong-simbahan si Erik noong kabataan niya—choir member, at kung tama ang pagkakatanda namin sa kuwentuhan namin noong baguhan pa lang siya sa showbiz, dati ring naging sakristan. Dala-dala niya hanggang ngayon ang dating na “wholesome”.
Pero sa totoo lang, nasa loob ang kulo.
‘Di ko makakalimutan ang sobrang hagikhikan naming tatlo ni Reggee Bonoan habang iniinterbyu siya, nang dire-diretso ang bibig niyang sumagot sa tanong kung kumusta ang sex life niya. (Namula si Reggee, ha-ha-ha!)
Naulit na naman ang hagikhikang ganu’n nang interbyuhin ko kamakalawa si Erik at ang super seksing leading lady niya sa Maalaala Mo Kaya (mapapanood bulas) na si Kristel Moreno.
Kinunan sa Macau ang episode nila. May kissing scenes sila (ang dami raw), pero dahil ito ang unang pag-arte ni Erik, tinanong ko si Kristel kung kumusta naman bilang aktor si Erik. Kumusta naman ang kissing scenes nila?
Aba’y ‘di pa nakakapagsalita si Kristel, sumingit na ng sagot ang Erik Santos. “Napakasarap,ha?!” sabay baling kay Kristel. “Ang sarap ng halik mo, ha?”
Hagikhikan. Buti na lang good sport si Kristel, kaya sa halip na mawalan ng poise at matameme ay bumaling sa akin, at ang sabi na nakatingin kay Erik. “Masarap din s’ya”.
Lalong lumakas ang hagikhikan. Ikaw talaga, Erik Santos!




Since Erik won in Star in a Million in January of 2004, the growth of his popularity has been unstoppable. He recorded hit songs and sold thousands of records. He also had numerous successful concerts both here and abroad, earned him the title as the country's one and only PRINCE OF POP