ERIK, NABIHAG NG KASEKSIHAN NI KRISTEL
ERIK, NABIHAG NG KASEKSIHAN NI KRISTEL
Reggee Bonoan
Balita - July 27, 2010
NATUTUWA kami kay Erik Santos, ang sipag-sipag mag text last week para panoorin ang episode niya sa Maalaala Mo Kaya nu’ng Sabado kasama si Kristel Moreno.
Sa totoo lang, hindi namin naaabutan ang MMK dahil gabi na ito at kadalasan ay nasa labas kami pero dahil nagpalit na ng timeslot ang programa ni Ms Charo Santos-Concio at tiyempong nasa bahay lang kami buopng maghapon ay wala kaming ginawa kundi manood ng TV.
Pasado namang mag-artista si Erik bukod sa pagiging singer dahil marunong siyang umarte at seryoso parati. Naaliw kami sa bedscene nila ni Kristel dahil walang inhibition ang binata, kitang-kita at buking na buking tuloy na sanay na may kasamang babae sa kama, ha-ha-ha!
Kaya lang, sobrang lakas iguro ng mga boltahe ng ilaw na ginamit sa maliit na kuwarto dahil nagmamantika ang mukha ni Erik. Hindi man lang ba napansin iyon ni Direk Mae Cruz sa pagsilip niya sa camera? Sana naman ang makeup artist, e kaagad pinunasan ang pawis ng bagong aktor.
Tinext nga namin si Erik na mas makintab pa ang mukha niya kaysa kay Kristel, at sinagot niya kami ng, “Oo nga, ‘Te, sobrang init kasi sa Macau.”
Biniro rin namin si Erik na mukhang type niya si Kristel kasi kakaiba ‘yung mga kilos niya sa yakapan at bedscene at sa sofa scene, natural na natural. Ang sagot ng singer-actor sa amin: “He-he-he, ang sexy, ‘Te…Sayang nga, hindi na siya available, he-he-he…”
O,e,di tama nga kami!
So, alam mo na Kristel, nabihag mo si Erik, kaso taken ka na.
Samantala, isa si Erik sa guests ni Sarah Geronimo sa concert niya ang Record Breaker sa Cebu City sa Biyernes (July 30). Abala na rin ang Prince of Pop sa nalalapit niyang big birthday concert.




Since Erik won in Star in a Million in January of 2004, the growth of his popularity has been unstoppable. He recorded hit songs and sold thousands of records. He also had numerous successful concerts both here and abroad, earned him the title as the country's one and only PRINCE OF POP