Kristel Type Ni Erik
Kristel Type Ni Erik
BULLSHEET
Ni Reggee Bonoan
Bandera - July 27, 2010
Mahilig talaga sa malulusog ang dibdib at sexy itong si Erik Santos dahil nalaman namin na type pala talaga niya si Kristel Moreno, ang naging leading lady niya sa Maalaala Mo Kaya na umere nu’ng Sabado ng gabi.
Binibiro kasi namin si Erik na kahulma ni Rufa Mae Quinto si Kristel dahil pareho ngang malalaki ang kanilang dibdib. Nagulat kami sa sagot ng singer, “Ha-hahaha! Kahulma ba? ang sexy, ‘te, He-hehehe!”
Kaya sinundot namin ng tanong kung type ba niya si Kristel dahil sa bedscene at kissing scene nila sa MMK ay medyo nahalata naming tinablan siya. “Ha-hahaha! Ang sexy ‘te! Sayang nga, hindi na siya available!”
Anyway, pinanood namin ang MMK nu’ng Sabado dahil natutuwa kami kay Erik na ang sipag-sipag mag text para panoorin daw ang first acting job niya, baka hindi na raw masundan pa.
Okey naman ang akting ni Erik dahil nagampanan naman niya ng maayos ang kanyang role bilang OFW singer, medyo masyado lang siyang ma-emote at talagang nakipagsabayan siya kay Kristel. Napansin naman naming parang sanay na sanay na si Erik na may kasamang babae sa kama! Ha-hahaha!
Anyway, isa si Erik sa guest ni Sarah Geronimo sa concert niyang “Record Breaker” sa Cebu City sa July 30 at abala na rin ang Prince of Pop sa nalalapit niyang birthday concert na pinamagatang “10-10-10″ sa Oct. 10, sa Skydome, SM North Edsa.




Since Erik won in Star in a Million in January of 2004, the growth of his popularity has been unstoppable. He recorded hit songs and sold thousands of records. He also had numerous successful concerts both here and abroad, earned him the title as the country's one and only PRINCE OF POP