Erik Santos – Prince of Pop

Princeofpop.net is a fansite dedicated to our beloved, our pride, our prince, ERIK SANTOS.

“Si Erik Santos, mukhang candidate na rin!”

August 14, 2010 By: rose Category: Uncategorized

Oh My G!
by Ogie Diaz

MERONG KAMING KATSIKAHAN. Parang nag-quiz pa sa amin. Sagutin daw namin ang kanyang tanong. Nu’ng una, nagtaka kami, dahil parang ang hirap sagutin. ‘Eto ang text sa amin:

“What do Billy Crawford, John Lloyd Cruz and Joey de Leon have in common?”

Siyempre, bukod sa lalaki sila lahat at walang bading sa kanila, ano pa nga ba?

“Lahat sila, may HIV!”

Huh?

“Gagah, hindi Human Immuno-deficiency Virus as in AIDS, ha? Sila lahat ay ‘Hair Is Vanishing.’

“Pansinin mo ang kanilang noo, lalong lumalapad. Kung ‘yung iba, sa bumbunan numinipis ang hair, sila, buhok sa harap, kaya pansinin mo sina Billy at Joey, bangs kung bangs!

“Si Erik Santos, mukhang candidate na rin!”

Juice ko, lalayo pa ba? Kahit nga kami, eh. Hindi lang halata. He-he-he!

AND SPEAKING OF Erik Santos, dahil sa mga bonggang review sa kanyang acting ay tinanong namin siya kung magtutuloy-tuloy na ba siya sa pag-arte.

Aba, now is the best time, dahil kahit hindi pa umaarte si Erik ay kilalang-kilala na siya, ‘no! Plus the fact na mahal ng kamera si Erik, simpatiko, hindi antipatiko.

“Magwo-workshop muna po ako para hindi naman nakakahiya sa mga kasama kong magagaling!”

Bongga, if ever emporium. Teleserye Theme Song King na siya, teleserye actor pa siya. Ayaw pa ba?

Source: http://www.pinoyparazzi.com/keanna-reeves-%E2%80%98di-na-pag-iinteresang-tsuktsakin-ng-mga-aktor/

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.