Erik Santos - Prince of Pop

Fansite dedicated to Philippines’ Prince of Pop Erik Santos.
Subscribe

Archive for the ‘Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines)’

ERIK, NABIHAG NG KASEKSIHAN NI KRISTEL

July 27, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

ERIK, NABIHAG NG KASEKSIHAN NI KRISTEL
Reggee Bonoan
Balita - July 27, 2010

NATUTUWA kami kay Erik Santos, ang sipag-sipag mag text last week para panoorin ang episode niya sa Maalaala Mo Kaya nu’ng Sabado kasama si Kristel Moreno.

Sa totoo lang, hindi namin naaabutan ang MMK dahil gabi na ito at kadalasan ay nasa labas kami pero dahil nagpalit na ng timeslot ang programa ni Ms Charo Santos-Concio at tiyempong nasa bahay lang kami buopng maghapon ay wala kaming ginawa kundi manood ng TV.

Pasado namang mag-artista si Erik bukod sa pagiging singer dahil marunong siyang umarte at seryoso parati. Naaliw kami sa bedscene nila ni Kristel dahil walang inhibition ang binata, kitang-kita at buking na buking tuloy na sanay na may kasamang babae sa kama, ha-ha-ha!

Kaya lang, sobrang lakas iguro ng mga boltahe ng ilaw na ginamit sa maliit na kuwarto dahil nagmamantika ang mukha ni Erik. Hindi man lang ba napansin iyon ni Direk Mae Cruz sa pagsilip niya sa camera? Sana naman ang makeup artist, e kaagad pinunasan ang pawis ng bagong aktor.

Tinext nga namin si Erik na mas makintab pa ang mukha niya kaysa kay Kristel, at sinagot niya kami ng, “Oo nga, ‘Te, sobrang init kasi sa Macau.”

Biniro rin namin si Erik na mukhang type niya si Kristel kasi kakaiba ‘yung mga kilos niya sa yakapan at bedscene at sa sofa scene, natural na natural. Ang sagot ng singer-actor sa amin: “He-he-he, ang sexy, ‘Te…Sayang nga, hindi na siya available, he-he-he…”

O,e,di tama nga kami!
So, alam mo na Kristel, nabihag mo si Erik, kaso taken ka na.

Samantala, isa si Erik sa guests ni Sarah Geronimo sa concert niya ang Record Breaker sa Cebu City sa Biyernes (July 30). Abala na rin ang Prince of Pop sa nalalapit niyang big birthday concert.

Showbiz Tsismis, Journal Online - 26 July 2010

July 27, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

user posted image

by Beth Gelena
Monday, 26 July 2010 18:36

* * *

MARAMI ang humanga sa Prince of Pop na si Erik Santos sa acting debut niya sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Role niya ang isang OFW na nag-apply na singer pero naging housekeeper sa Venetian Hotel sa Macau.

Ito ang first starring role ni Erik at ikinatuwa niya nang husto ang mga magagandang feedback na kanyang natatanggap.

“I enjoyed my first-ever acting job. Hindi ako mas-yadong na-pressure dahil sa suportang ibinigay sa akin ng co-actors ko at staff ng MMK. Sobrang galing at bait din ni Direk Mae! Acting is like singing. You have to put the right amount of emotions and passion to be able to convey your character’s message to the public,” ani Erik.

Samantala, ang latest album niyang Erik Santos: The Jim Brickman Song Book, released under Star Records, ay patuloy na umaani ng papuri sa fans at music critics. Si Jim Brickman ang nag-produce ng album na naglalaman ng revivals at original compositions na sinulat ng world-class singer/composer.

Umaasa si Erik ng marami pang acting assignments siyang matatanggap after his stint sa MMK. Si Erik ay Backroom artist at para sa mga tanong tungkol sa kanya, tumawag sa Backroom, Inc. sa 4351108 at 4351120 o mag-email sa backroomtalents@pldtdsl.net

Hindi Lamang Magaling na Concert at Recording Artist

July 27, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

Hindi Lamang Magaling na Concert at Recording Artist
TSUPPATID ni LETTY CELI
PM - July 27, 2010

Napanood ko ‘yung nakaraang Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN sa episode na Bus, tampok sina Erik Santos at Kristel Moreno.

Ito palang si Erik ay hindi lamang magaling na concert at recording artist, pati acting ay kayang-kaya pala niya. Mahusay siyang magpatulo ng luha.

Kumpara kay Sam Milby na nakakakanta rin, mas matindi ang ginawa ni Erik sa telebisyon kasi talagang nagdrama siya. I’m sure na mapapadalas na ang paglabas ni Erik, ‘di lang sa TV, pati na rin sa movies.

KINABAHAN NG HUSTO

July 27, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

KINABAHAN NG HUSTO
BIZWATCH
ni Liza Endaya
Bulgar - July 27, 2010

NANG makatsikahan namin recently si Erik Santos, nabanggit niya sa amin na kinabahan siya nang husto sa kanyang first acting job in Maalaala Mo Kaya.

“Grabe talaga ang kaba ko, iba kasi ‘yun sa singing, eh. But at the same time, excited din ako dahil new experience ‘yun for me,” sey ng singer.

Sayang at hindi kami nakapanood ng MMK last Saturday pero ayon sa mga nakapanood kay Erik, bongga naman daw ang naging acting ng singer considering na unang pagharap niya ‘yun sa kamera as an actor.

Partner ni Erik sa nasabing episode si Kristel Moreno. And for sure, masusundan pa ang kanyang mga acting projects.

Congrats, Erik!

Kristel Type Ni Erik

July 27, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

Kristel Type Ni Erik
BULLSHEET
Ni Reggee Bonoan
Bandera - July 27, 2010

Mahilig talaga sa malulusog ang dibdib at sexy itong si Erik Santos dahil nalaman namin na type pala talaga niya si Kristel Moreno, ang naging leading lady niya sa Maalaala Mo Kaya na umere nu’ng Sabado ng gabi.

Binibiro kasi namin si Erik na kahulma ni Rufa Mae Quinto si Kristel dahil pareho ngang malalaki ang kanilang dibdib. Nagulat kami sa sagot ng singer, “Ha-hahaha! Kahulma ba? ang sexy, ‘te, He-hehehe!”

Kaya sinundot namin ng tanong kung type ba niya si Kristel dahil sa bedscene at kissing scene nila sa MMK ay medyo nahalata naming tinablan siya. “Ha-hahaha! Ang sexy ‘te! Sayang nga, hindi na siya available!”

Anyway, pinanood namin ang MMK nu’ng Sabado dahil natutuwa kami kay Erik na ang sipag-sipag mag text para panoorin daw ang first acting job niya, baka hindi na raw masundan pa.

Okey naman ang akting ni Erik dahil nagampanan naman niya ng maayos ang kanyang role bilang OFW singer, medyo masyado lang siyang ma-emote at talagang nakipagsabayan siya kay Kristel. Napansin naman naming parang sanay na sanay na si Erik na may kasamang babae sa kama! Ha-hahaha!

Anyway, isa si Erik sa guest ni Sarah Geronimo sa concert niyang “Record Breaker” sa Cebu City sa July 30 at abala na rin ang Prince of Pop sa nalalapit niyang birthday concert na pinamagatang “10-10-10″ sa Oct. 10, sa Skydome, SM North Edsa.

Erik’s MMK tops the Saturday primetime ratings.

July 27, 2010 By: esfanatics Category: Reviews, Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

Kantar Media/TNS National Household Ratings (July 23-25): July 24, Saturday, Primetime.

TV Patrol Weekend (ABS-CBN) 28.4%; 24 Oras Weekend (GMA-7) 19.7%
Elias Paniki (ABS-CBN) 28.5%; Kaya ng Powers (GMA-7) 18.7%
Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) 30%; Claudine (GMA-7) 18.5%
Twist and Shout (ABS-CBN) 16.4%; Kapuso Mo Jessica Soho (GMA-7) 21.8%
M3: Malay Mo Ma-Develop (ABS-CBN) 8.2%; Imbestigador (GMA-7) 17.4%
Banana Split (ABS-CBN) 5%; Comedy Bar (ABS-CBN) 8.1%
The Bottom Line With Boy Abunda (ABS-CBN) 2.2%; Sports Unlimited (ABS-CBN) 0.9%; Walang Tulugan With The Master Showman (GMA-7) 2%

Source: pep.ph

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon)

July 26, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) Updated July 26, 2010 12:00 AM

SEEN: Overwhelmed si Erik Santos sa positive feedback sa guesting niya sa Bus episode ng Maalaala Mo Kaya. Inihalintulad ni Chokoleit ang acting ni Erik sa another Santos, si Vilma Santos.

Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=596754&publicationSubCategoryId=96

Erik sinundan ang yapak nina Piolo, Sam at Mark

July 24, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

Erik sinundan ang yapak nina Piolo, Sam at Mark
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
(Pilipino Star Ngayon)
Updated July 24, 2010 12:00 AM

Habang nakakarinig ng papuri si Erik Santos sa kanyang acting sa Maalaala Mo Kaya na pala­bas ngayong gabi sa ABS-CBN, lalo siyang kina­kabahan dahil baka hindi totoo ang mga sinasabi nila.

“But I know that deep inside I gave a good per­formance, my all. Ginawa ko lahat ‘yung alam ko at ‘yung mga natutunan ko,” sabi ng magaling na singer na umamin na hindi niya gagawing propesyon ang pag-arte.

“Sa pagkanta pa rin ako. Paminsan-minsan siguro, kung merong magandang offer, aarte uli ako. Pero hindi ko ito gagawin ng madalas, masi­sira ang boses ko. Puyatan sa pag-aartista at ma­sama ito sa boses. Also dito sa episode ng MMK puro pag-iyak ang ginawa ko. Minsan matagal nang tapos ang eksena, humahagulgol pa rin ako kaya namamaos ako. Again masama din ito sa boses ko,” dagdag pa niya.

Inaamin ni Erik na isa na namang feather in his cap ang pag-aartista niya.

Hindi ito pagpapataas ng kanyang morale dahil ang mga kasamahan niyang sina Christian Bautista, Piolo Pascual, Sam Milby at lately pati si Mark Bautista, na nasa kabilang istasyon na ay umaarte na rin.

“No, I’m not trying to compete with them. Tapos na ako rito. I just want to prove to myself na may kaya pa rin akong gawin. Isang malaking challenge ang MMK na seven years ago ay inalok sa akin ni Ms. Mel del Rosario pero hindi ko tinanggap, hindi pa ako ready noon. Now, I think now is the proper time pero kailangang kong matutunan kung paano. Hindi naman ako agad suma­lang sa pag-aartista. Nag-aral din ako, one on one with the best, kay Di­rek Laurice Guillen, kay Direk Mae Cruz, kami ni Kristel Moreno,” paliwanag ni Erik na hindi nagyayabang pero sina­bing ‘yung kissing scene nila ni Kristel ang pinakamadaling ginawa niya sa MMK, walang kahirap-hirap al­though may isang kissing scene sila na umabot ng eight takes.

“Lagot na sina Zanjoe (Marrudo), Eric’s into it, he takes his acting seriously, andun ang puso niya. He prepares for all his scenes, and grabe how he delivers! Ako rin ang nagdirek ng life story niya sa MMK seven years ago at tama lang na hindi niya tinanggap dahil ngayon pa lamang siya nahinog,” sabi ng direktor niya.

Watch MMK tonight at kayo ang maging judge kung talagang pasado na bilang artista si Erik at kung kaya na ba niyang kabugin ang mga kaibigan niya’t kasamahang singer na artista rin.

http://www.philstar.com/Article.aspx?artic…ubCategoryId=96

Erik tries acting for a change

July 24, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

Erik tries acting for a change
By Maridol Rañoa-Bismark(The Philippine Star)
Updated July 24, 2010 12:00 AM

MANILA, Philippines - There’s got to be a first time. For Erik Santos, it’s acting for the first time via ABS-CBN’s Maalaala Mo Kaya tonight.

This would have been unthinkable for Erik seven years ago, when he turned down an offer to play himself in a Maalaala Mo Kaya (MMK) episode on his touching life story. He was then a newbie in showbiz, fresh out of his victory in Star in a Million.

Singing was his one and only comfort zone. So Erik said, “No, thanks” to ABS-CBN’s offer. The role landed on Jericho Rosales’ lap.

How times have changed! Piles of albums, concerts and TV guestings later, Erik is ready to face the cameras, not as a singer for an MTV, but as an actor. The role is not light and breezy the way most parts assigned to new actors are.

It requires at least one breakdown scene and a lot of tears. Erik plays an OFW who applied as a singer but became a housekeeper at the posh Venetian Resort-Hotel in Macau.

Erik summoned all the hurts of the past bottled up inside him and let them off in one explosive blow.

Someone with more angst, more reasons to grieve would find this easy. But not cheerful, pleasant Erik, whose mother has yet to see him raging mad.

“I went back to the time when a girl I loved abandoned me, “ he explains. Turns out Rufa Mae Quinto is not the only girl Erik fell for. There have been others, some of them non-showbiz, he reveals.

To his surprise, Erik loved their hectic three-day shoot in Macau, where the episode’s letter-sender is based.

“I learned a lot,” he says. Director Laurice Guillen, who had a one-on-one acting session with him introduced him to acting nuances he never knew before.

“In singing, you show your emotion in song. Not so in acting,” Erik points out. “ Here, most of the things you do — even the mere act of swallowing — has meaning.”

The MMK stint also brought Erik’s respect for actors and their craft to an all-time high.

“I admire my actor-friends all the more,” the Backroom artist relates. Piolo Pascual and John Lloyd Cruz stand out in Erik’s list of actor-idols.

“I admire John Lloyd’s way of delivering his lines. He makes you feel what’s in his heart.” Erik explains. Piolo’s eyes, on the other hand, carry a world of emotion in them, adds Erik.

Today, the guy who flinched the first time the offer to act in the upcoming MMK episode came along, won’t mind a follow-up role.

“Sana tuloy tuloy na ito,” he gushes. “My director (Mae Cruz) told me the challenge is for me to retain that raw quality in my acting.”

Another reason Erik is so hooked on acting is because he believes a Divine Hand is guiding him as he feels his way in this uncharted territory.

“I prayed a lot,” he admits. “I said `Lord, Ikaw na po ang bahala. If you give it to me and if it pushes through, it means it’s Your will.”

Luckily, the acting bug will never snatch Erik away from singing.

“Singing is still my priority,” he stresses. Well-meaning friends have advised Erik to beware of too many lines of dialogue, too much late-night tapings and excessive fits of crying on cam. They warned him that it may ruin his voice.

Erik has many reasons to protect that voice. He will hold a concert at Meralco Theater on Sept. 24 and 25. Then, he hies off to Europe for a series of shows. Next year, Erik is a shoo-in for a role in a musical theater production.

“I was told that I didn’t have to audition for the role,” he says.

With things falling into place, is there anything else Erik dreams of doing?

“I want to get married and have a family of my own,” he replies right off the bat.

But he has yet to meet The One he will bring home to Mama. The minute he does, romantic Erik knows he will feel it in his bones.

Meanwhile, let’s sit back and relax as we set aside Erik the singer and replace him with Erik the actor for a few hours. He may yet spring a few surprises that will make us see him in an entirely new and better light.

http://www.philstar.com/Article.aspx?artic…ubCategoryId=70

Director Mae Cruz encourages Erik Santos to pursue acting

July 24, 2010 By: esfanatics Category: Write-Ups (Tabloids, Newspapers, Magazines) No Comments →

Showbuzz Feature

Director Mae Cruz encourages Erik Santos to pursue acting
by Julie Bonifacio | July 23, 2010 10:43 PM |

Revelation ang sinabi ng mahusay at magandang direktor na si Mae Cruz sa naging performance ng champion singer na si Erik Santos sa kanyang kauna-unahang pagtatangka na sumabak sa larangan ng aktingan sa award-winning drama show na Maalaala Mo Kaya. “Kasi parang ano, e, considering zero experience, I think ang pinaka-experience niya na umarte is sa music videos. In fact, meron kaming isang MV na ginawa together na inabot kami ng madaling araw kasi gusto ko ‘yung parang emote-emote pa siya. And then, ano nga title nu’ng song? Ah, ‘I Will Never Leave You,’” pagalala ni Direk Mae. “Tapos sabi niya kay Tito Boy (Abunda, his manager), ‘Tito Boy, teleserye ata ang ginagawa namin ni Direk Mae.’ Kasi parang napapagod siya na, kasi hindi siya sanay na acting the whole day.”

Na-ishare din ni Direk Mae na nagkaroon sila ng masinsinang usapan ni Erik para makondisyon ito sa mas mahabang ‘akting’. “Uhm, pero dito sa MMK, that’s why we add two days together before mag-shoot na parang we just sat down, sort of workshop, uh, diagnostics. He really ano, walang reklamo. Sobrang professional. Willing maghubad kahit sa kalye. Kung kailangangn magpalit dahil nagmamadali, hahaha!”

Dibdiban daw ang ginawa ng singer sa episode na ito. “Tapos kahit imumaga na kami mag-shoot, doon sa hotel talagang nagmamadaling magbihis. At the same time, inuumaga na, e, ang alam ko hindi ‘yan sanay magpuyat ng ganu’n, e. ‘Di ba ang singer dapat eight hours na sleep for the voice. E, eto hindi. Wala siyang care. Kasi siyempre mina-max-out ‘yung stay doon sa Macau, so, inumaga kami at talagang nakita ko, silang dalawa, actually, ni Kristel (Moreno , Erik’s first leading lady), naduduling-duling na, ganu’n-ganu’n. E, emotional pa ‘yung sequence. Pero uh, wala, walang complaints. In fact, sobrang pleasant,” lahad ni Direk Mae.

Ang first episode ni Erik sa “Maalaala Mo Kaya” ang ika-24 naman ni Direk Mae. “Yung lifestory ni Erik was one of my first MMK’s. Parang ano yata ‘yun, e, around February. Si Jericho Rosales ang nag-portray as Erik pero lumitaw din siya doon. Parang transition form Jericho to Erik taposnag-cut to the actual clip.”

Tinanong din namin ang director kung ano ang eksena pinakamaraming take si Erik. “Yung ano, second sequence namin. Actually, ‘yung second sequence only because first kumbaga, second sequence sa Macau kasi first ‘yun, e. Tapos ang talas ng araw. E, hindi pa siya sanay to control his eyes, very technical. ‘Yung isa pa’ng maraming takes, ‘yung sa kalye na nag-kiss sila, kasi hinahabol namin ‘yung walk, don’t walk. E, 30 seconds lang ‘yun, so, kailangan ‘pag nag-walk ‘yung camera tatakbo in the middle of the street kasi silang dalawa (Erik and Kristel Moreno) gusto ko silang mag-meet halfway. E, minsan maiksi ‘yung time, kaya,‘Isa pa!’Siguro mga 20 times silang nag-kiss sa gitna ng kalsada,” kwento pa ni Direk Mae.

Pagkatapos ng first episode ni Erik sa Maalaala Mo Kaya, would she encourage him na ipagpatuloy ang pag-arte? “Yes, I really would kasi it adds another dimension to him. And then, he has proven himself as a singer, e. Parang this is a new challenge for him and besides, he has the chops for it. So, I think he has potential. For a first timer parang that’s a feat na nagawa niya considering there’s time pressure. Kasi I was (pressured), kaya I asked for a session with them before going to Macau. Kasi ang hirap doon mag-workshop on the set and then, love pa ito. I had to make them meet, get to know each other kasi otherwise, ang hirap mag-getting-to-know sa Macau. We don’t have the time. Pero kami we were there ahead for the pre-production to peg the area. And before we started, kasi I’ve learned from experience ‘yung mga love stories, chemistry ‘yan, e. So, kunyari loveteam, kung loveteam na kayo it’s easy, e, ika-cast nila. E, nu’ng sinabi nila na Erik and Kristel, parang ako, number one I haven’t worked with them pa. Si Erik I have but hindi pa ‘yung sa TV or acting pa talaga. So, chemistry nilang dalawa, kailangan nilang mag-bond. And it will show on screen kung meron na silang bond, e.”

Prinessure ba niya si Erik sa set? “Hindi kasi nu’ng nakita ko siya nu’ng first day namin sa workshop parang nakakita ng multo, eh, hahaha! Namumutla talaga siya at nanlalaki ang eyes niya. Nu’ng pagpasok ko ng room nakita ko siya, e, normally I always see him naman sa mga ano we say hello, ‘yung mukha niya nu’ng nag-hello, ‘Hi, Direk.’ Parang putlang-putla siya. Tapos sabi ko, ‘Have you memorized it?’ Parang ano’ng nangyayari dito? Yun ang itsura niya.”

Mapapanood ang kauna-unahang episode ni Erik Santos with Kristel Moreno sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/812…sue-acting.aspx